^

Probinsiya

4 nalambat sa dynamite fishing

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

ORION, Bataan, Philippines —  Apat na magkakamag-anak ang naaresto ng Philippine National Police-Maritime Group matapos maaktuhan­ silang gumagamit ng mga dinamita sa pangi­ngisda sa karagatang sakop ng bayang ito.

Kinilala ni Bataan PNP Maritime Station chief P/Major. Leonardo Alcantara, ang mga nadakip na mangingisda na sina Glendo Malaras, 51-anyos; Gilbert Malaras, 42-anyos; Jonathan Malaras, 26 at Glendel Malaras, 26; pawang mga taga-Ligtong Uno, Rosario, Cavite.

Nahuli umano sa akto ng mga nagpapatrolyang pulis sa karagatan ang mga suspek habang nagsasagawa ng iligal na pangingingisda gamit ang pampasabog o di­namita.

Nakumpiska sa mga suspek ang limang (5) boteng improvised explosive o dinamita; bangkang de motor; compressor; hose at ilang kilong isdang putok (tamban) o huli gamit ang dinamita.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10654 Section 92 o Anti-Illegal Fishing Act dahil sa pagggamit ng explosive device sa iligal na pangisngisda.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with