^

Probinsiya

Gov. Remulla suko na sa kawalan ng suporta ng national government sa bakuna

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dismayado na si Cavite Governor Jonvic Remulla kaugnay ng tila kawalan ng suporta ng national government hinggil sa nire-request nitong bakuna para sa lalawigan.

“I’am already beyond frustrated. Naka-ilang meeting na pero everytime we ask for vaccine support the answer is “we will get back to you.” Puro ganyan,” ayon kay Remulla sa kanyang Twitter account.

“Matira ang matibay? Beyond frustrated with low vaccine support from national government,” ayon pa sa gobernador .

 Matatandaan na gustong bumili ng sari­ling bakuna ang lalawigan ng Cavite pero ayon sa kanyang Facebook account, walang magawa ang Local Government Unit (LGU) dahil pinipigilan silang pumili ng gusto nilang bakuna para sa lalawigan. Maaari rin naman umano silang makabili sa pamamagitan ng Tripartite Agreement pero ang kanilang order ay nanatiling hindi pinipirmahan.

Nakiusap na rin ang gobernador na pahintulutan ang kanilang LGU na umangkat ng sariling suplay ng bakuna.

“Wala po akong nakikitang rason para harangan ang aming layunin na siguraduhing ligtas ang kalusugan at buhay ng aming lalawigan,” ayon pa kay Remula sa kanyang FB account.

Nabatid na ang bakunang gustong bilhin ng lalawigan ay na-delay na naman ng hanggang 4rth quarter ng 2021.

Ang Cavite ay nangangailangan ng mahigit 6-milyong do­ses ng bakuna laban sa COVID-19 para maabot ang 70% populasyon na target nilang bakunahan.

vuukle comment

JONVIC REMULLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with