^

Probinsiya

MECQ sa Bataan larga na

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
MECQ sa Bataan larga na
Residents in Barangay 342, Manila wait for distribution of cash aid on Wednesday (August 18, 2021).
Philstar.com / Irish Lising

BALANGA, Bataan, Philippines — Alinsunod sa naging desisyon ng National Inter-Agency Task Force, nagsimula na ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) mula sa dating ECQ sa lalawigan ng Bataan kahapon na magtatapos sa Agosto 31.  

Hiningi naman ni Bataan Governor Abet Garcia ang pakikiisa ng kanyang constituents sa mga nakalatag na alituntunin sa MECQ upang hindi umano masayang ang kanilang mga sakripisyo matapos dumaan sa pinakamahigpit na lockdown.

Ayon kay Garcia, ang pagsunod sa minimum public health standards ay mahigpit pa rin na ipatutupad sa pagpapairal ng MECQ sa kanilang lalawigan at hinikayat ang publiko na samantalahin na magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, sinisikap umano ng pamunuan ni Garcia na balansehin ang kabuhayan ng mga mamamayan sa kinakaharap na pandemya.

Patuloy pa rin ang pamamahagi ng mga ayuda gaya ng bigas, groceries, pera, at ang muling pagbubukas ng “Kusina sa Barangay” sa pakikipagtulungan ng mga LGUs sa Bataan at pamahalaang nasyonal.

Sinabi ni Garcia na handa na rin ang kanilang mga pasilidad na pangmedikal gaya ng karagdagang hospital beds at emergency ward para matugunan ang pangangailangan ng dumaraming dinadapuan ng nasabing sakit.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with