^

Probinsiya

Lalaki may sukbit na baril sa ‘ayuda center’ arestado

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Lalaki may sukbit na baril sa �ayuda center� arestado
Ayon sa ulat, dumating umano sa lugar ang suspek habang isinasagawa ang distribusyon ng ayuda para sa mga residente hanggang sa isang concerned citizen ang nagsumbong sa mga otoridad.

ABUCAY, Bataan, Philippines — Kalaboso ang isang lalaki matapos isumbong ng ilang residente na mayroong nakasukbit na baril sa kanyang beywang nang dumating sa lugar kung saan nagka­kabigayan ng ayuda sa Barangay Calaylayan ng bayang ito kamakalawa. 

Nakilala ang suspek na si Richard Tandong, 33-anyos at residente ng na­banggit na lugar.

Ayon sa ulat, dumating umano sa lugar ang suspek habang isinasagawa ang distribusyon ng ayuda para sa mga residente hanggang sa isang concerned citizen ang nagsumbong sa mga otoridad.

Kaagad na kinapkapan ang suspek at nakuha sa pag-ingat nito ang isang 38 caliber revolver at limang bala.

Dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong pag­labag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunitions.

vuukle comment

AYUDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with