^

Probinsiya

Landslide sa Cavite: Mga bahay natabunan, 100 pamilya inilikas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dahil sa walang puknat na pagbuhos ng malakas­ na ulan dulot ng bag­yong Fabian, nagkaroon­ ng landslide sa bayan ng General Ma­riano­ Alva­rez (GMA) at ilang ka­bahayan ang nata­bunan sanhi upang ilikas ang nasa 100 na apektadong pamilya kahapon.

Inilagay ang mga inilikas sa barangay hall bilang temporary eva­cuation center ng Brgy. Poblacion 4 sa GMA para sa mga pamilyang naapektuhan ng landslide.

Nabatid na tuluyang lumambot at bumigay ang ilang bahagi ng lupa na kinatitirikan ng bahay ng may ilang pamilya dulot ng matinding pag-ulan sa lugar.

Wala namang naiulat na nasawi o malubhang nasugatan sa landslide at sa tulong ng GMA LGU at barangay officials ay ligtas na nasagip ang mga apek­tadong pamilya.

Nagbigay na ng tulong si Mayor Maricel Echevarria Torres sa mga apektado niyang kababayan. Paalala rin nito sa mga mamamayan ng GMA, handa ang lokal na pamahalaan sakaling kailanga­nin silang ilikas bunsod ng walang tigil na pag-ulan.

vuukle comment

LANDSLIDE

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with