^

Probinsiya

2 lalaki todas sa ambush sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 lalaki todas sa ambush sa Rizal
Mga tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng mga biktimang nakilala lang na sina Kzerdrick Saynes at Geovemar Caña habang nakatakas ang mga salarin sa krimen.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang patay nang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Binangonan, Rizal kamakalawa ng hapon.

Mga tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng mga biktimang nakilala lang na sina Kzerdrick Saynes at Geovemar Caña habang nakatakas ang mga salarin sa krimen.

Batay sa ulat ng Binangonan Municipal Police, alas-4:30 ng hapon habang magkaangkas umano ang dalawang biktima at binabagtas ang Upper Kasinay sa Brgy. Darangan nang bigla silang tambangan ng dalawang suspek na magkaangkas din sa motorsiklo. Bigla na lang umanong bumunot ng baril ang backrider at saka ilang ulit na pinagbabaril sa ulo ang mga biktima na kaagad na namatay at saka bumagsak sa sementadong kalsada.

Nang matiyak ng mga suspek na napuruhan ang kanilang target ay mabilis silang humarurot ang mga ito at tumakas.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with