^

Probinsiya

Mentally ill binaril sa ulo, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 31-anyos na lalaking mentally ill o may sakit sa pag-iisip matapos barilin sa ulo ng ‘di pa kilalang gunman sa Brgy. San Gabriel, Gen. Trias City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jerick Posas ng Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Ernesto M. Angue Jr., ng Gen. Rias Police, alas-2:15 ng hapon nang maganap ang insidente. 

Sa pahayag ng naka-duty na miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) na si Nelson Alfaro, habang nasa loob siya ng comfort room ng kanilang barangay hall nang makarinig siya ng isang malakas na putok.

Agad umano siyang sumilip sa bintana ng palikuran at nakita niya ang isang tao na nakahandusay at duguan.

Dahi dito, mabilis na lumabas at humingi ng tulong na madala sa pagamutan ang biktima subalit dahil sa ulo ang tama nito, hindi na naisalba pa.

Nangangalap na ng CCTV footage ang pulisya at mga opisyal ng barangay sa lugar upang matukoy ang responsable sa krimen.

vuukle comment

BARIL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with