^

Probinsiya

Bulacan farm massacre: Mag-utol utas, 1 sugatan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Bulacan farm massacre: Mag-utol utas, 1 sugatan
Kinilala ni P/Lt.Col. Carl Omar Fiel, hepe ng San Ildefonso police ang dalawang biktima na sina Larry Gabat, farm manager at Rey Gabat, kapwa nasa hustong gulang, tubong Guimaras, Quezon Province, habang sugatan naman si Michael Garcia ng Nueva Ecija.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

SAN ILDEFONSO, Bulacan, Philippines — Natagpuang patay at tadtad ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang farm manager at kapatid nito habang sugatan ang isa nilang kasama sa binabantayang farm kamakalawa ng gabi sa Brgy. Mataas na Parang ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/Lt.Col. Carl Omar Fiel, hepe ng San Ildefonso police ang dalawang biktima na sina Larry Gabat, farm manager at Rey Gabat, kapwa nasa hustong gulang, tubong Guimaras, Quezon Province, habang sugatan naman si Michael Garcia ng Nueva Ecija.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatanggap ng report ang mga pulis na may naganap na krimen sa nasabing barangay dakong alas-9:30 ng gabi.

Nang respondehan ng mga pulis ang lugar, doon tumambad sa kanila ang magkapatid na biktima na naliligo sa duguang katawan na wala nang buhay, samantalang ang sugatang si Garcia ay mabilis na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa mga nakasaksi, isang security guard na nakilalang si Romeo de Ocampo ang nakitang mabilis na tumatakbo papalayo sa pinangyarihan ng krimen na may bitbit na baril.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga otoridad para sa agarang ikadarakip ng suspek.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa pagkakapaslang sa magkapatid.

vuukle comment

MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with