^

Probinsiya

Lider ng crime group todas sa raid

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang sinasabing lider ng kilabot na “Panesa Crime Group” na nasa talaan ng top most wanted persons matapos mauwi sa engkuwentro ang ikinasang arrest warrant operation ng pulisya laban sa una kamakalawa ng hapon sa Brgy. Ma­lainen Bago, bayan ng Naic, dito.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Romeo Panesa ng Ericka Louise Subd., Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite at nasa Top 7 Most Wanted Person sa National Capital Region Police Office (NCRPO). 

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Police Office director P/Col Marlon Santos, dakong alas-4:25 habang isinisilbi ng joint operatives ng DSOU, Manila Police District (MPD) sa pangunguna ni Major Cicero Pura, kasama ang Naic Police ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Carolina Icasiano-Sison, presi­ding judge RTC Branch 18, NCR, Manila laban kay Panesa sa kasong murder nang manlaban umano ang huli. 

Gayunman, nang makita ng suspect ang raiding team, agad siyang tumakbo patakas na armado ng maiksing baril at pinaputukan ang mga pulis. Dito na nauwi sa habulan at engkuwentro ang eksena hanggang sa mabaril at mapatay ang suspek. 

Narekober sa encounter site ang isang magnum caliber .38 revolver ng suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with