^

Probinsiya

Bisor tepok sa salpok ng van

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Bisor tepok sa salpok ng van
Kinilala ang nasawi na si Ryan Caccam, 36, may asawa, maintenance supervisor, at residente ng Strawberry Hills, Brgy. F. Reyes, GMA, Cavite.
STAR/ File

CARMONA,Cavite ­­­, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang supervisor na nagmamaneho ng kanyang motorsiklo makaraang makasalpukan nito ang isang van sa kahabaan ng Governor’s Drive,Brgy. Cabilang Baybay ng bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Ryan Caccam, 36, may asawa, maintenance supervisor, at residente ng Strawberry Hills, Brgy. F. Reyes, GMA, Cavite.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng Hi-Ace van na si John Ralph Lanuza, 35, operation manager at residente ng B1, L13, Area J, Brgy. Gavino Maderan, GMA, Cavite.

Sa imbestigasyon bago naganap ang insidente, alas-9:00 ng umaga ay binabagtas ng biktima ang nasabing highway sakay ng kaniyang  motorsiklo nang sumalpok ito sa paparating na van na minamaneho ng suspek.

Sa lakas nang pagkasalpok ay nawasak ang motor nito habang tumilapon ang biktima at napuruhan sa ulo na agad nitong ikinamatay.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with