^

Probinsiya

Notoryus na ‘tulak’ timbog sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN RAFAEL, Bulacan, Philippines — Naaresto ng mga kagawad ng San Rafael Police ang isa sa sinasabing notoryus na tulak ng ilegal na droga at nasamsaman ng nasa P.3 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Caingin ng ba­yang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Lt.Col. Fersinand Germino, hepe ng San Rafael police ang naarestong suspek na si Jonathan Termulo, 32-anyos ng Brgy. Bahna, Malolos City, Bulacan.

Sa imbestigasyon, alas 4:30 ng hapon nang maglatag ng drug bust operation ang mga otoridad laban sa suspek matapos na makatanggap ng impormasyon na may dayo na nagtutulak ng iligal na droga.

Hindi na nakapalag ang suspek nang makorner ng mga pulis at nakumpiska dito ang 52 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P370,000.00.

Napag-alaman pa na ang suspek ay dati nang nakulong sa Bulacan Provincial Jail sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga at kabilang High Value Individual (HVI).

vuukle comment

SAN RAFAEL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with