^

Probinsiya

182K Bulakenyo nabakunahan na vs COVID-19

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Umabot na sa 182,016 na Bulakenyo ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Sa tala ng Provincial Public Health Office (PPHO), nasa 145,055 ang nakatanggap ng first dose samantalang 36,961 ang bakunado na ng second dose ng bakuna laban sa COVID 19.

Ayon kay PPHO Health Education Promotion Officer Patricia Alvaro, nasa 32,132 na sa A1 Prio­rity ang nabakunahan na ng first dose habang 16,855 ang kumpleto sa ikalawang dose. Bahagi ng grupong ito ang mga healthcare workers.

Nasa 73,540 naman ang tumanggap ng ­unang dose habang 8,919 na ang nakakumpleto ng second dose sa mga nasa A2 Priority Group o ang mga senior citizens.

Dagdag ni Alvaro, nasa 36,959 naman sa A3 priority o ang mga persons with comorbidities ang nabakunahan ng unang dose habang 9,328 ang kumpleto na sa ikalawang dose.

Samantala, nagsimula na rin ang pagbabakuna sa mga nasa A4 prio­rity group o tinatawag na economic frontliner. 2,321 na ang nagkatanggap ng unang dose habang 1,845 ang kumpleto na sa ikalawang dose.

Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa mga nasa A5 priority group o mga indigent. 103 na ang nakatanggap ng unang dose habang 14 ang fully-vaccinated na matapos ang ikalawang dose.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with