^

Probinsiya

Misis sinaway ang maingay na kapitbahay, pinatay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Misis sinaway ang maingay na kapitbahay, pinatay
Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Janna Delos Santos, 32,samantalang ginagamot naman sa Gumaca District Hospital ang bayaw nitong sina Aldrin, 27 at Arnel Obligasyon, 32.

GUMACA, Quezon, Philippines — Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang 32-anyos na ginang matapos na ataduhin nang saksak ng kapitbahay na si­naway nito sa pag-iingay, kamakalawa sa Purok 7, Barangay Calumanguin ng ba­yang ito.

Ang biktima na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Janna Delos Santos, 32,samantalang ginagamot naman sa Gumaca District Hospital ang bayaw nitong sina Aldrin, 27 at Arnel Obligasyon, 32.

Tinutugis na ang suspek na si Eric Tutong, may sapat na gulang at residente sa nabanggit na lugar.

Base sa ulat ng pulisya, bandang ala-1:40 ng madaling araw ay nagising ang biktima sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa pag-iingay ng suspek sa harapan ng kanilang bahay.

Lumabas ang biktima at sinaway ang lasing na suspek sa pag-iingay, subalit sunud-sunod na saksak ang ibinigay dito.

Bagama’t sugatan ang biktima ay nagawang makatakbo at humingi ng saklolo sa dalawang bayaw gayunman ay pinagsasaksak din sila ng suspek na mabilis na tumakas.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with