70 rebelde sa Iloilo, sumuko
MANILA, Philippines — Umaabot sa 70 mga rebelde mula sa lalawigan ng Iloilo ang nagbalik-loob sa gobyerno kamakalawa.
Ayon kay Major Cenon Pancito, spokesperson ng Third Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na ang mga nasabing rebelde ay kasapi ng militia ng bayan na sumuko sa 61st Infantry Battalion ng Philippine Army matapos ang maayos na diyalogo.
Isinuko rin ng mga rebelde ang 70 mga de kalibreng armas na kinabibilangan ng carbine, short firearm at handmade shotgun.
Tatanggap naman ng financial assistance ang mga rebelde matapos magbalik-loob sa gobyerno.
- Latest