^

Probinsiya

2 RT-PCR Lab itatayo sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Dalawang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) laboratory ang nakatakdang itatayo para sa monitoring, detection at treatment ng mga suspected COVID-19 patients sa lalawigang ito.

Ayon kay Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer ng lalawigan at hepe ng Provincial Inter-Agency Task Force (PIATF), ang isang RT-PCR Laboratory na popondohan ng Provincial Government ng lalawigan ay ilalagay sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital (NVPH) sa bayan ng Bambang.

May inisyal na P5 milyon ang nasabing proyekto na isa sa prayoridad ng lokal na pamahalaan rito para mas mapabilis ang pagkuha sa mga resulta  ng mga isinasagawang swab test sa mga posibleng carrier ng COVID-19.

Ayon kay Galapon, sa kasalukuyan ay umaasa ang Nueva Vizcaya sa mga testing centers sa rehiyon at iba pang lugar kung saan halos inaa-abot sa 3 hanggang 7 araw bago makuha ang resulta dahil sa layo ng biyahe at dami na rin ng mga kaso ng COVID-19 mula naman sa iba pang lugar.

“Sa pagkakaroon ng sariling RT-PCR Laboratory ang lalawigan ay maibibigay na natin agad ang resulta ng mga test sa loob ng 24-oras,” pahayag ni Galapon.

Maliban sa RT-PCR Laboratory ng provincial government ay kasalukuyan naman ang pagsasaayos sa mga dokumento para naman sa sariling  RT-PCR laboratory ng Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) na nakabase naman sa bayan na ito (Bayombong) sa pamamagitan naman ng Department of Health.

vuukle comment

RT-PCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with