^

Probinsiya

‘Tulak’ kumasa sa buy-bust, dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DAET, Camarines Norte, Philippines — Bulagta ang isa umanong high value individual (HVI) na tulak ng droga matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na buy-bust operation sa Purok-3,Brgy.Gahonon ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Napuruhan ng punglo sa ibat-ibang bahagi ng katawan at agad namatay ang suspek na si Menandro “Dodoy” Ariate, nasa hustong gulang at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw nang kumagat ang suspek sa ikinasang buy-bust ­operation ng mga operatiba mula sa Regional Drug Enforcement Unit 5, Regional Special Operation Unit 5, Provincial Intelligence Unit, Provincial Mobile Force Company at Daet Municipal Police Station.

Nang magkaabutan ng droga at akmang huhulihin na ang suspek ay bumunot umano siya ng baril at pinutukan ang mga pulis na agad namang gumanti ng putok na ikinasawi nito.

Nakuha sa suspek ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 30-libong piso, isang sachet na may lamang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng 9,645, Kalibre 45 baril at mga bala.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with