2 ‘tulak’, bulagta sa drug bust
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang bumulagta sa mga kagawad ng Stations Drug Enforcement Unit sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Balagtas at Marilao, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director ang dalawang napatay na suspek na sina Michael Halili at Raffy Concepcion.
Si Halili ay bumulagta matapos na makipagpalitan ng putok sa mga otoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan dakong alas 2:30 ng madaling araw. Napatay naman si Concepcion dakong alas 3:00 ng madaling araw sa inilatag na drug buy-bust operation sa Brgy. Tabing Ilog, Marilao, Bulacan Bulacan. Ang dalawang napatay na suspek ay kilala umanong mga tulak sa kani-kanilang lugar at kasama sa listahan ng PDEA Drugwatch list. Narekober sa dalawang napatay na suspek ang dalawang Cal .38 revolver, 19 na plastic sachet ng shabu at buy-bust money.
- Latest