^

Probinsiya

Buong squad ng NPA sa Cagayan sumuko

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Buong squad ng NPA sa Cagayan sumuko
Nagbunga umano ang pagsisikap ng Philippine Army’s 17th Infantry Battalion nang ang “Platoon Bravo” ng West Front Committee, Komiteng Probinsya-Cagayan (KOMPROB-CAGAYAN), na naka-base sa Zinundungan Valley, ay boluntaryong sumuko ta­ngay ang isang M16, dalawang home-made shotguns, isang cal.38 revolver, mga bala, isang granada, ammunitions, tatlong rifle grenades, NPA flag at mga dokumento.
STAR/ File

BAGUIO CITY , Philippines — Isang buong squad ng rebeldeng NPA na may pito katao ang sumuko sa mga sundalo noong Miyerkules sa Cagayan.

Nagbunga umano ang pagsisikap ng Philippine Army’s 17th Infantry Battalion nang ang “Platoon Bravo” ng West Front Committee, Komiteng Probinsya-Cagayan (KOMPROB-CAGAYAN), na naka-base sa Zinundungan Valley, ay boluntaryong sumuko ta­ngay ang isang M16, dalawang home-made shotguns, isang cal.38 revolver, mga bala, isang granada, ammunitions, tatlong rifle grenades, NPA flag at mga dokumento.

Ayon kay Lt. Col. Angelo Saguiguit, commander ng naturang Army battalion, ma­tinding kahirapan ang nagtulak sa mga rebeldeng sumuko na lamang at mamuhay ng tahimik kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

“Ang (kanilang) pagbabalik-loob ay malaking tulong hindi lamang para sa kanila kundi pati na rin sa kaayusan ng ating pamayanan,” wika ni Saguiguit.

“Higit lalong napakagandang regalo ito para sa inyong mga pamilya. Pagkakataon ninyo ito upang makapagbagong buhay at magsimulang muli.”

Samantala, tatlo namang rebelde sa north Abra ang sumuko rin sa Benguet police ngayong linggo.

Ang tatlo na hindi pa rin pinapangalanan ng pulisya ay diumano’y nakatala sa “Perio­dic Status Report on the Threat Groups (PSRTG) watchlist for the 4th Quarter of 2020”, ayon kay Cordillera police director Brig. Gen. Ronald Lee.

Ayon pa kay Lee, ang tuluy-tuloy na contact sa pa­milya ng mga rebelde ang nagtulak upang pumayag na magbagong-buhay na lamang ang tatlo, na aayudahan naman ng pamahalaan sa pamamagitan ng cash assistance, material assistance at trabaho.

Isinuko ng tatlo ang isang M14 rifle na burado ang serial number at 10 bala nito, isang Thompson submachine gun at magazine na may 7 bala,  isang Interdynamic submachine gun KG9 9mm Luger na may tatak na 810069 at magazine nito na may 13 bala.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with