^

Probinsiya

Drug den sinalakay, 7 arestado

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Drug den sinalakay, 7 arestado
Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Bryan Transmer, 31 at Susana Bacod, 30, na siyang mga nagpapatakbo ng drug den; Marcelino Nodado, 42; Bobby Imperial, 52; Mark Omnis,19; pawang residente ng naturang barangay, Carlito Magnate, 64, ng Brgy. Triangulo at Napoleon Bongat, 48, residente ng Brgy. Manayaw Poblacion, Tigaon.
STAR/ File

Naga City, Camarines Sur, Philippines —  Kalaboso ang pito katao matapos na maaresto sa ginawang search warrant operation ng Phillipine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bahay na ginagawang drug den sa Brgy. Lerma sa lunsod na ito kamakalawa.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Bryan Transmer, 31 at Susana Bacod, 30, na siyang mga nagpapatakbo ng drug den; Marcelino Nodado, 42; Bobby Imperial, 52; Mark Omnis,19; pawang residente ng naturang barangay, Carlito Magnate, 64, ng Brgy. Triangulo at Napoleon Bongat, 48, residente ng Brgy. Manayaw Poblacion, Tigaon.

Sa ulat, dakong alas-3 ng hapon bitbit ang search warrant mula sa korte ay magkatuwang na sinalakay ng mga tauhan ng PDEA Camarines Sur, PDEA-Catanduanes at Naga City Police Office sa pangunguna ni provincial officer IA3 Dennis Benitez ang bahay na ginagawang drug den.

Hindi na nakapalag ang pito matapos na paligiran ng mga operatiba ang bahay kung saan nakuha mula sa loob ang siyam na sachet ng shabu na may timbang na 15-gramo at nagkakahalaga ng 102-libong piso at mga drug paraphernalia.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with