^

Probinsiya

Tulak, Nanlaban sa parak, Utas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Cavite, Philippines — Isa na namang tulak ang napatay sa isang drugbust operation makaraang umalma ito sa pulisya , kahapon ng madaling araw sa Brgy. San Nicolas 2, Bacoor City, Cavite.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang suspek na nakilalang si Arnold Daet Sacil, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. San Nicolas 2, na kilalang tulak umano ng droga sa kanilang lugar.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Marlon Santos, alas-1:45 ng madaling araw nang ikasa ng DEU Operatives ng Bacoor CCPS kasama ang PDEA ang isang buy-bust operation laban sa suspek.

Limang gramo ng shabu ang iniskor ng tumayong pouser buyer sa suspek at habang nagaganap ang transaksyon nakatunog ang huli na pulis ang kaniyang ka-deal kaya agad nitong itinulak ang kaharap bago mabilis na nagtatakbo.

Nauwi sa may ilang minutong bakbakan bago tuluyang napatumba ang suspek.

Narekober dito ang may kabuuang timbang na 25 gramo ng shabu, buy-bust money at iba pang drug paraphernalias at ang caliber .38 revolver na ginamit nito.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with