^

Probinsiya

15-anyos kinatay ng kapwa bagets, tiyan winakwak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
15-anyos kinatay ng kapwa bagets, tiyan winakwak

MINALABAC, Camarines Sur, Philippines — Wakwak ang tiyan at agad nasawi ang isang 15-anyos na bina­tilyo matapos na pagsasaksakin ng kapwa menor-de-edad na suspek sa Brgy. Hamoraon ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Lumuwa ang bituka sa laki ng sugat sa tiyan dahil sa saksak ang agad ikinamatay ng biktimang si Darwin Cortez Dotillos, residente ng Brgy.Bagoladio, Bula habang sinampahan na ng kasong pagpatay ang suspek na itinago sa pangalang “Noel”, 15-anyos, ng Zone-5, Sitio Pag-asa, Brgy. Salingogon.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi sa hindi pa malamang dahilan ay walang kaabug-abog na pinagsasaksak ni Noel ang biktima sa tiyan.

Mabilis na sinaklolohan ng mga residente ang biktima at tinalian ang malaking sugat nito sa tiyan makaraang makitang lumuwa ang lamanloob nito saka sinubukang dalhin sa hospital pero pune­rarya ang binagsakan makaraang masawi.

Agad na naaresto ang suspek ng mga rumes­pondeng pulis.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with