^

Probinsiya

Mister at manugang utas sa ambush

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang mister at kanyang manugang matapos silang tambangan at pagbabarilin ng nasa 20 na armadong lalaki sa Sitio Barurao, Brgy. Dado, Alamada, dito sa lalawigan kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Modi Panambualan, 37-anyos, may asawa, magsasaka

at manugang na si Jamel Pauntang, 23-anyos; na kapwa taga-Brgy. Dado, Alamada.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pananambang dakong alas-2:30 ng hapon matapos pagbabarilin ng mga biktima ng mga kalalakihan na armado M16 rifle sa nasabing lugar.

Agad kinilala ng Alamada Police ang lider ng grupo sa pamamaril na si alyas “Omar”, residente ng Brgy. Nuyo, Buldon, Maguindanao, na umano’y kamag-anak din ng mga biktima.

Awayan sa lupa ang tinitingnan ng pulisya na sanhi ng krimen.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with