^

Probinsiya

Kotse nahulog sa tulay: 4 patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kotse nahulog sa tulay: 4 patay
Kinilala ang mga nasawi na sina Mel­chor Año Dejillo; Salve Año Dejillo; Mary Ann Pradil Morata; kapwa nasa hustong gulang; at Kriza Dejillo,15, pa­wang residente ng Brgy. F. Simeon.
STAR/ File

RAGAY, Camarines­ SuR, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang apat  katao na pawang magkakamag-anak ma­­tapos mahulog­ sa tulay ang kotseng sina­sak­yan sa kaha­baan ng Andaya National High­way­sa Brgy. Panaytayan ng bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mel­chor Año Dejillo; Salve Año Dejillo; Mary Ann Pradil Morata; kapwa nasa hustong gulang; at Kriza Dejillo,15, pa­wang residente ng Brgy. F. Simeon.

Bago naganap ang aksidente, ala-1:00 ng hapon ay mabilis na binabagtas ng kotseng Nissan Cefiro (JCZ-888) na minamaneho ni Mel­chor ang kaha­baan ng highway pauwi mula Naga City.

Pagdating sa pa­kur­bang daan ay na­walan umano ito ng kontrol sa manibela at bumangga ang sasakyan sa bakal na railings bago ito nahulog sa malalim na tulay­.

Agad sinaklolohan ng mga residente ang mga biktima at isa isang walang malay na nailabas sa kotseng lumubog na sa tubig at isinugod sa pagamutan pero lahat ay hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

NISSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with