^

Probinsiya

Ama kinatay ng anak na may topak!

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Ama kinatay ng anak na may topak!
Namatay noon din sa loob ng kanilang bahay ang biktima na si Danilo Abrahan, 59-anyos, may asawa sanhi ng mga tinamong malalalim na sugat sa katawan nang pagtatagain ng kanyang anak na si Erwin.
Philstar.com/Irish Lising, file

HERMOSA, Bataan, Philippines — Walang habas na pinagtataga ng isang 25-anyos na lalaki na sumasailalim umano sa psychiatric medication ang kanyang sariling ama nang maburyong at sumpungin ng kanyang sakit sa Pastulan Vllage, Barangay Tipo sa bayang ito kamakalawa ng madaling araw. 

Namatay noon din sa loob ng kanilang bahay ang biktima na si Danilo Abrahan, 59-anyos, may asawa sanhi ng mga tinamong malalalim na sugat sa katawan nang pagtatagain ng kanyang anak na si Erwin.

Sa inisyal na ulat ng Hermosa Police, bandang alas-3 ng mada­ling araw nang magising ang saksi na si Rosabel Abraham nang marinig nito ang sigaw ng ama na humihingi ng tulong habang tinataga ni Erwin na hinihinalang sinumpong ng kanyang sakit.

Kaagad namang nakahingi ng tulong si Rosabel sa kanilang mga kapitbahay at ipinagbigay alam sa pulisya ang pangyayari subalit patay na nang datnan ng mga otoridad ang biktima sa bahay nito.

Nasa kustodya na ng pulisya ang suspek na may diperensya sa pag-iisip na ayon sa mga kaanak ay sumasailalim sa gamutan ng isang psychiatrist sa Olongapo City.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with