P21 milyong marijuana nasamsam sa Sulu raid
MANILA, Philippines — Umaabot sa P 21 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa isinagawa nilang pagsalakay sa isang liblib na lugar sa Brgy. Masjid, Punjungan, Kalingalang Caluang, Sulu kamakalawa.
Sa report ni Joint Task Force (JTF) Sulu commander Brig. Gen. William Gonzales, ni-raid ng pinagsanib na elemento ng 4th Marine Brigade, Naval Task Group-Sulu at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sulu ang malawak na plantasyon ng marijuana sa nasabing lugar.
Sinabi naman ni 4th Marine Brigade at Naval Task Group Sulu commander Col. Hernanie Songano, dalawang marijuana plantation na may lawak na mahigit dalawang hektarya ang sinalakay nila sa naturang barangay.
“These two sites are both located in Brgy Masjid Punjungan and is allegedly owned by a certain Utoh. This was made possible by our concerted efforts with the PDEA-Sulu and Provincial Intel Unit-Sulu PPO,” ayon sa opisyal.
Agad na sinunog sa lugar ang nakumpiskang bulto-bultong tanim ng marijuana, binhi at pinatuyong dahon nito.
- Latest