^

Probinsiya

Kotse salpok sa mixer: 1 todas, 1 kritikal

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang isang 23-anyos na lalaki habang kritikal naman ang isa matapos na aksidenteng sumalpok ang sinasak­yan nilang kotse sa isang mixer truck sa national highway ng Barangay Lanao, Kidapawan City kahapon.

Kinilala ng Kidapawan City Police ang nasawi na si Elmer ­Piang, taga-Apo Sandawa ng lungsod habang nagpapagaling sa pagamutan si Carlo Bercero, 23, binata, isang seaman at residente ng Poblacion, Kidapawan City.

Sa ulat ng mga traffic investigators ng Kidapawan City, binabagtas ng dalawang sasakyan ang parehong lane nang maganap ang insidente, alas-4:00 ng madaling araw.

Ayon kay Kidapawan Police Chief Lt. Col Rammel Hojilla, posibleng nakainom ang dalawa o nakatulog ang driver nang mangyari ang insidente, bagay na patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya.

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with