^

Probinsiya

Lalaki balik-selda sa droga

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

MARIVELES, Bataan, Philippines — May ilang linggo pa lamang umanong nakalalaya ang isang 25-anyos na lalaki dahil sa kasong droga ay muli na naman itong naaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga otoridad sa bayang ito.

Kinilala ni Mariveles Chief of Police Lt. Colonel Cezar Lumwes ang suspek na si Angelo Ducal residente ng Barangay Town Site, Cabcaben Mariveles Bataan na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy bust operation ang mga otoridad kamakalawa ng gabi sa Barangay Alas Asin kung saan isa sa mga pulis ang nagpanggap na poseur buyer.

Hindi na nakapalag ang suspek nang palibutan siya ng mga pulis at arestuhin matapos tanggapin ang P500 na marked money kapalit ng iniabot na droga.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang 5 sachet ng hinihinalang shabu.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with