^

Probinsiya

P2.7 milyong marijuana, winasak sa Benguet

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
P2.7 milyong marijuana, winasak sa Benguet
Pinangunahan ng mga operatiba ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang pagsira sa mga plantasyon sa magkakahiwalay na lugar sa nasabing barangay simula nitong March 21 hanggang March 24.
Mountain Province Police Provincial Office

KIBUNGAN, Benguet, Philippines — Tinatayang nasa P2.7 milyong halaga ng marijuana ang winasak nang pinagsanib na ­puwersa ng mga otoridad sa apat na araw nilang operasyon sa bahagi ng Barangay Tacadang, ng bayang ito.

Pinangunahan ng mga operatiba ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang pagsira sa mga plantasyon sa magkakahiwalay na lugar sa nasabing barangay simula nitong March 21 hanggang March 24.

Umabot sa 6,780 full-grown marijuana plants mula sa anim na plantasyon ang winasak ng mga otoridad kabilang ang pagkadiskubre sa 11 marijuana bricks sa nasabing lugar.

Wala namang naaresto ang mga ­operatiba ng pamahalaan matapos matunugan ng mga nagbabantay o may ari ang pagda­ting ng mga otoridad sa lugar.

Nagbabala ang ahensya sa mga opisyal na posible silang masampahan ng kaso kung mapatunayan na nagpapabaya ang mga ito sa kampanya laban sa illegal na droga sa kanilang lugar.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with