^

Probinsiya

Drug courier timbog sa P13.6 milyong shabu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Drug courier timbog sa P13.6 milyong shabu
Kinilala ang naares­tong suspek na si Edgarfeel Baloni Sakilan alias ‘Kalbo’, 42, tubong Maguindanao,residente ng Phase 1A Yakal Loop extension kanto ng Sugarberry St., Blk 3, Lot 19, Saint Joseph Village, San Pedro, Laguna.
STAR/File

SAN PEDRO CITY, Laguna, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang drug courier nang salakayin ang bahay sa isang subdvision ng lalawigang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naares­tong suspek na si Edgarfeel Baloni Sakilan alias ‘Kalbo’, 42, tubong Maguindanao,residente ng Phase 1A Yakal Loop extension kanto ng Sugarberry St., Blk 3, Lot 19, Saint Joseph Village, San Pedro, Laguna.

Nabatid na isa umanong notorious drug courier ang suspek na nag-o-operate sa Region 3, NCR, Region 4A, at Mindanao na kung saan kinukuha umano nito ang kanyang supply ng droga sa isang Chinese national na mula sa Hong Kong.

Una nang naaresto sa Imus City,Cavite ang bodegero ng droga na si Michael Romualdez, na kabilang sa sindikato ng Filipino-Muslim at Chinese nationals na nakabase sa Donya Soledad at AFP Village, Taguig City na siyang nagturo kung saan niya kinukuha ang mga shabu.

Nagsagawa ng follow-up operations ang mga pulis kung saan isa sa mga pulis ang pumasok sa sindikato at nang makumpirma ang drug operation ni Sakilan mabilis na sinalakay ang lugar.

Nasamsam sa suspek ang dalawang kilong shabu na aabot sa P13.6 milyon,isang Honda City na AEA 9728, isang cellular phone, dalawang piraso ng  P1,000 at boodle mo­ney na P1.3 milyon.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with