^

Probinsiya

2 Abu Sayyaf na kidnaper, dedo sa engkuwentro

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

LANGUYAN, Tawi-Tawi, Philippines — Napatay ng tropa ng pamahalaan ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na responsable sa pagdukot sa mga Indonesian nationals at isang Pinoy sa isang engkuwentro sa Barangay Kalupag Island ng bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi sa alias na Long at Darus na mga miyembro ng Abu Sayyaf/Kidnap-for-Ransom Group.

Sa impormasiyon na nakarating kay Western Mindanao Command, Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr.,Martes ng hapon nang ikasa ng tropa ng pamahalaan ang pagtugis sa mga suspek sa nasabing lugar at nanlaban umano ang mga suspek habang paparating ang otoridad.

Inilunsad ang focused military operations nito pang Biyernes matapos na masagip ang tatlong Indonesian kidnap victims at pagkatimbog ng dalawang ASG.

Magugunita na Sabado ng gabi nang masawi ang kanilang lider na mas kilala sa Apok Mike habang ang dalawa pang mga kasamahan nila ang nakatakas at tuluyan namang napatay nitong Martes ng hapon.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with