^

Probinsiya

Magsasaka tinodas ng nakaalitang pinsan sa inuman

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANDAON, Masbate, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 49-anyos na magsasaka matapos na barilin ng nakaalitang pinsan habang naglalakad pauwi sa Brgy. Alas ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Isang tama ng bala sa tagiliran ang tumapos sa buhay ng biktimang si Joseph Pardeño Villamor, may-asawa at residente ng nasabing barangay.

Tinutugis na ang tumakas na suspek na kinilalang si Jayve Villamor Cabutuan, 26-anyos, binata at residente ng Brgy. Poblacion.

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon nakitang nag-iinuman pa ang dalawa sa bahay ng isang Linda Catolo,subalit,ilang sandali ay nagkaroon nang pagtatalo ang magpinsan pero agad namang naawat.

Nagpasya ang biktima na umuwi na pero inabangan ito ng suspek na armado ng hindi malamang kalibre ng baril saka pinutukan sa kaliwang bahagi ng katawan.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with