^

Probinsiya

13 NPA rebels, sumuko

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MLANG, North Cotabato, Philippines — Kasabay nang pagdedeklarang persona non-grata sa CPP-NPA-NDF sa Brgy Palma, Perez ng ba­yang ito ay sumuko ang 13 NPA members sa isinagawang Grand Pulong-pulong ng militar at LGU-Mlang.

Ang 13 sumuko ay kinabibilangan ng mga dating supporters at full-time members na kasapi ng Guerilla Front 72 at 51 ng teroristang NPA.

Nakumbinsi ang mga ito na sumuko sa gob­yerno matapos ang isinagawang Community Support Program o CSP ng 90th Infantry Batta­lion ng Philippine Army.

Si Alexander Pa­yupilin ng Brgy. Nabundasan, Tulunan, Cotabato, isang public school teacher sa bayan ng Mlang na maagang namulat sa rebolusyunar­yong kilusan ay isa rin sa mga nagbalik loob sa gobyerno at nagbahagi ng mensahe sa programa, nitong Sabado.

Dati itong full-time NPA member ng Front 72 pero piniling sumuko matapos mapagtantong walang maitutulong sa pag-unlad ng lipunan ang pakikipaglaban sa pamahalaan.

Maliban sa 13, nanumpa rin ang abot 700 mga mass base supporters ng Brgy Palma Perez bilang simbolo ng pagtatakwil sa tero­ristang NPA.

Nabatid na ang Palma Perez ay isa sa mga impluwensyadong lugar ng CPP-NPA noong dekada 80.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with