^

Probinsiya

3 BIFF todas, 4 sugatan sa engkuwentro

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang patay habang apat pa ang sugatan matapos ang engkuwentro sa pagitan ng nasabing teroristang grupo at tropa ng militar sa Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao kamakalawa.

Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th Infantry ‘Kampilan’ Division, unang sumiklab ang bakbakan alas-10:00 ng umaga at muling nagkaengkwentro dakong alas-3:00 ng hapon nitong Huwebes.

Sa ulat, nagsasa­gawa ng clearing operations ang mga sundalo matapos makatanggap ng ulat hinggil sa tangkang pag-atake ng BIFF sa Joint Peace and Security Team (JPST) outpost sa Brgy. Kitango sa nasabing lugar nang kanilang makaengkuwentro ang may 30 na kasapi ng BIFF sa nasabing lugar. Tumagal ng mahigit 30 minuto ang palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang tatlong terorista at apat pa ang sugatan.

Narekober ng militar sa encounter site ang ilang itinanim na IED ng teroristang grupo.

Dahil sa bakbakan, daan-daang residente sa lugar ang nagsilikas sa takot na maipit sa kaguluhan.

vuukle comment

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with