^

Probinsiya

Mister itinumba sa harap ng ka-live in

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mister itinumba sa harap ng ka-live in
Ang biktima na nagtamo ng mga bala sa iba;t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Larry Rayles Casabuena.
STAR/ File

DEL GALLEGO, Camarines Sur , Philippines — Namatay noon din ang isang 27-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang kinakasama ng hindi nakilalang gunman na pumasok sa kanilang bahay sa Brgy.Pinagdapian ng bayang ito,kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng mga bala sa iba;t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Larry Rayles Casabuena.

Hindi naman idinamay at sinaktan ng suspek ang kinakasama ng biktima na si Mercy Mangampo,kapwa residente ng nasabing barangay.

Sa salaysay ni Ma­ngampo sa pulisya, dakong alas-10:45 ng gabi ay naghahanda na umano sila para matulog nang pwersahang pumasok sa kanilang bahay ang gunman na nakasuot ng itim na bonnet,jacket at naka-shorts.

Sa hindi malamang dahilan ay minura nito ang biktima at saka pinagbabaril at nang masigurong patay na ay mabilis na tumakas ang suspek.

Nakuha ng mga rumes­pondeng pulis ang ­ilang basyo ng bala ng hindi malamang kalibre ng baril.

Isa sa anggulong tini­tingnan sa pamamaril sa biktima ay posibleng may atraso ito o nakaaway.

vuukle comment

LARRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with