^

Probinsiya

Mayor sa Cavite iniimbestigahan sa pananakit sa hinuling kawatan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Mayor sa Cavite iniimbestigahan sa pananakit sa hinuling kawatan
Map of Cavite Province with location of Cavite City.
Wikipedia / Mike Gonzalez

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang lokal na alkalde sa lalawigan ng Cavite ang iniimbestigahan ng National Police Commission4a dahil sa umano’y pag-abuso sa kapangyarihan makaraang umano’y gulpihin nito ang naarestong suspek sa pagnanakaw sa loob ng istasyon ng pulisya at umano’y gina­gamit ang mga tauhan ng pulisya para sa kanyang personal na hangarin.

Itinago ni National Police Commission (Napolcom)-Calabarzon regional director Owen De Luna ang pagkaka­kilanlan ng local executive habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon ng kanyang probe team at rekomendasyon para sa tamang disposisyon. Ayon kay De Luna, ang mga gobernador at alkalde ay awtomatikong de­putized bilang kinatawan ng Napolcom alinsunod sa Republic Act. 8551, kapag sila ay nahalal at naging kwalipikado.

Bukod sa pananakit sa suspek, iniimbestigahan din ang alkalde dahil sa umano’y pagmamaltrato at pang-aabuso sa kanyang mga pulis sa istasyon.

Sa tala ng pulisya, ang suspek sa pagnanakaw na si alyas “Jomar,” 29, ay naaresto at nabawi sa kanya ang isang ninakaw bundle ng copper electrical wire sa hot pursuit operation sa sementeryo noong Oktubre 15 ng alas-4 ng hapon.

Dumating naman ang alkalde sa istasyon at tinanong kung nasaan ang naarestong suspek. Nang makita ay dito na niya umano pinagsusuntok habang pilit na pinaaamin sa mga kasabwat nito.

MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with