^

Probinsiya

7 drug suspects timbog sa P13 milyong marijuana

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
7 drug suspects timbog sa P13 milyong marijuana
Unang naaresto ang apat na suspek na kini­lalang sina Augusto Ga­licia, 39, ng Antipolo City; Eduardo Patiga, 39 ng Makati City; Wen­ceslao Galicia, 24 ng Pasig City; at John Benedick Camia, 22 ng Imus, Ca­vite.
Miguel de Guzman, file

TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Pitong drug sus­pects ang naaresto ng mga otoridad sa isang police operation at nasamsam sa kanila ang nasa P13 milyong halaga ng marijuana kamakalawa sa nasabing lalawigan.

Unang naaresto ang apat na suspek na kini­lalang sina Augusto  Ga­licia, 39, ng Antipolo City; Eduardo Patiga, 39 ng Makati City; Wen­ceslao Galicia, 24 ng Pasig City; at John Benedick Camia, 22 ng Imus, Ca­vite.

Ayon sa report, sakay ang apat na suspek ng Toyota Innova (NGF-5992) upang ibiyahe ang nasa 112 marijuana bricks na may tig-isang kilo ang timbang na bawat isa sa Metro Manila nang masabat ang mga ito ng mga otoridad sa Brgy. Bantay, alas-10:00 ng umaga.

Hindi na nakapalag ang apat at ikinanta ang tatlo pang kasama na naaresto habang nagpapagasolina sa Barangay Arellano, Quezon, Isa­bela sakay ng isang Suzuki Ertiga (NAN-5792).

Kinilala ang mga suspek na sina Prince John Lord Paluyo, 20, ng Ge­neral Trias, Cavite; Cyrus Crisologo,18 at isang 17- anyos na taga Antipolo City.

Nasamsam sa mga ito ang mga pinatuyong dahon ng marijuana na naka cylindrical packages at cannabis oil na may halagang P196,000 at isang sumpak.

Ayon sa mga imbes­tigador, ang mga nasam­sam na marijuana ay galing pa ng Tinglayan, Kalinga. Inihahanda ng pulisya ang mga kasong kriminal laban sa mga nadakip.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with