^

Probinsiya

3 driver nag-positive sa droga, kakasuhan ng LTO

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kakasuhan ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong driver na nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot habang nagmamaneho sa isinagawang Oplan Ligtas Kalsada Kontra Droga sa San Fernando, Pampanga.

Ito ang inihayag ni Atty. Clarence Guinto, acting director ng Law Enforcement Service (LES) at Regional Director ng LTO-NCR- West.
Ayon sa opisyal, nagtungo ang mga tauhan ng LES- ADDEU sa San Fernando
Police Station sa Pampanga upang tulungan ang kanilang mga kasamahan sa LTO-Region 3 sa pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa tatlong driver na hindi muna pinangalanan.

Kasama ang tatlo sa 33 driver na sumailalim sa biglaang drug test sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng LTO, PNP at DPWH sa southbound lane ng NLEX nitong March 4, 2021.

Ang operasyon ay kaugnay na rin ng pagpapatupad ng RA 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act.

Kasabay ng operas­yon ay nagsagawa rin ng anti-truck overloading ang ahensya sa Bulacan kung saan aabot sa 23 truck sa 128 truck na ininspeksyon.

Ayon kay Atty. Guinto, ang operasyon ay patunay lamang na sa gitna ng pandemya, patuloy ang pagbabantay ng pinagsamang puwersa ng  Land Transportation Office (LTO), Phi­lippine National Police (PNP),Department of Public Works and Highway (DPWH) at North Luzon Expressway (NLEX) upang matiyak na ligtas ang mga biyahero.

vuukle comment

DROGA

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with