^

Probinsiya

Bagong panganak na misis, kinatay ni mister

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bagong panganak na misis, kinatay ni mister
Nakakulong na sa Tinagacan Police at na­haharap sa kasong parricide ang suspek na si Rodolfo Bacyano, 34, ng Purok 6 Lower Labay, Tinagacan, Ge­neral Santos City dahil sa pagpatay sa kanyang asawang si Aileen, 23- anyos.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang mister matapos na pagsasaksakin nito ang sariling  misis nang magtalo dahil sa iniwang malaking hospital bill nang magluwal ng kambal na sanggol ang ginang, kamakalawa ng  gabi sa General Santos City.

Nakakulong na sa Tinagacan Police at na­haharap sa kasong parricide ang suspek na si Rodolfo Bacyano, 34, ng Purok 6 Lower Labay, Tinagacan, Ge­neral Santos City dahil sa pagpatay sa kanyang asawang si Aileen, 23- anyos.

Ayon kay Police Capt. Nemesio Calipho, hepe ng Tinagacan Police Station, inamin ng suspek ang ginawang pagpatay sa kanyang misis na ilang buwan pa lang na nanganak ng kambal na sanggol sa isang ospital at umabot ang bayarin nito sa P103,000. 

Sa imbestigasyon, umuwing lasing  ang  suspek kaya nag-alsa balutan ang ginang at bitbit nito ang kanilang tatlong buwang kambal na anak.

Sinundo ng suspek­ sa kapitbahay ang kan­yang misis at nang makauwi ay doon na ito inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasa pangangalaga pa ng mga kapitbahay ang naulilang tatlong buwang kambal matapos pumanaw ang ina habang nakakulong na ang kanilang ama.

Lumalabas na nagalit ang suspek sa misis dahil sa malaking gastos nito sa panga­nganak na kanilang madalas pinagtatalunan.

vuukle comment

MISTER

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with