^

Probinsiya

Magsasaka tinagpas sa leeg ng tinder

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka tinagpas sa leeg ng tinder
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan dahil sa malalim na taga sa kanyang leeg ang biktimang si Nilo Gonzales Jimenez, may-asawa, residente ng nasabing barangay.Arestado naman ang suspek na si William Sale Calajate, 52-anyos.
Philstar.com/Irish Lising, file

PARACALE, Camarines Norte, Philippines — Patay agad ang isang 61-anyos na magsasaka matapos na tagpasin sa leeg ng nagtitinda ng isda sa Purok-2B, Brgy. Pinagbirayan Malaki, Paracale sa lalawigang ito ka­makalawa ng tanghali.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan dahil sa malalim na taga sa kanyang leeg ang biktimang si Nilo Gonzales Jimenez, may-asawa, residente ng nasabing barangay.Arestado naman ang suspek na si William Sale Calajate, 52-anyos.

Sa ulat,dakong alas-11:45 ng tanghali sa hindi pa malamang dahilan habang armado ng mahabang itak sinugod ng suspek ang biktima. Bago pa nakatakbo ang biktima ay agad tinaga sa leeg ng suspek.

Sa tulong ng mga opisyal ng barangay mabilis na naaresto ng mga pulis ang suspek na dala pa ang duguang itak habang tinangka namang isugod sa Talobatib-Labo District Hospital ang biktima pero ideneklara itong dead-on-arrival.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with