^

Probinsiya

Gun-for-hire, 1 pa utas sa raid

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Isang miyembro ng kilabot na Viray Group at gun-for-hire ang kapwa napatay ng mga pulis sa magkahiwalay na paghahain ng search warrant sa Brgy. Bubulong Malaki, San Ildefonso at Brgy. Sta. Rosa 1, Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Police Director, ang dalawang napatay na sina Gilbert Cruz ng Riverside 2, Brgy. Bubulong Malaki, San Ildefonso, Bulacan at Enrico Villaflores ng Marciano St., Ysmael Village, Brgy. Sta. Rosa 2, Marilao, Bulacan.

Kapwa inisyuhan ng search warrant ni Albert Fonacier ng RTC Br. 76 at 1st Vice Executive Judge ang dalawang suspek.

Si Cruz na sinasabing miyembro ng kilabot na Viray Group at gun-for-hire group na nag-ooperate sa Bulacan, Nueva Eciya at Pampanga ay nakipagbarilan umano sa mga pulis habang inihahain dito ang isang search warrant. Narekober dito ang isang cal.45 pistol, tatlong magazine para sa cal 5.56 rifle, iba’t ibang uri ng baril at mga bala.

Si Villaflores ay napatay rin dakong alas-6:00 ng gabi matapos na makipagpalitan ng putok sa mga otoridad habang isinisilbi ang search warrant sa kanya. Nabawi sa suspek ang isang 9mm pistol, isang improvised 12 gauge shotgun, isang improvised aluminum pipe at cellphone.

vuukle comment

GUN-FOR-HIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with