^

Probinsiya

Magsasaka ginilitan ng kainuman

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka ginilitan ng kainuman
Patay agad dahil sa malalim na sugat sa leeg ang biktimang si Boy Barcelona habang ang suspek ay nakilalang si Ranny Guzman De Vera, 36, parehong binata at residente ng lugar.
STAR/File

LABO, Camarines Norte, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 50-anyos na magsasaka matapos na karitin siya sa leeg ng kanyang kainumang kapwa magsasaka sa Purok-3, Brgy.Talobatib ng bayang ito kamaka­lawa.

Patay agad dahil sa malalim na sugat sa leeg ang biktimang si Boy Barcelona habang ang suspek ay nakilalang si Ranny Guzman De Vera, 36, parehong binata at residente ng lugar.

Sa ulat, bago naganap ang insidente ay nakitang masaya pang nag-iinuman ang dalawa. Gayunman, dakong alas-5 ng hapon nang kapwa malasing ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na nauwi sa suntukan.

Habang nagbubugbugan, nakakuha ng karit ang biktima at hinambalos sa katawan ang suspek pero naagaw ito ng huli at saka itinarak sa leeg ng una dahilan ng kanyang agarang pagkasawi.

Sumuko agad ang suspek kay kapitan Emmanuel Andaya na nagdala sa kanya sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with