8 arestado sa drug raid sa Subic
ZAMBALES, Philippines — Walong drug suspect ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Office 3, Subic Municipal Police, Zambales Police Provincial Office, CIDG Olongapo-Zambales sa isinagawang drug raid sa Purok 4, Barangay Matain, Subic ng lalawigang ito kamakalawa.
Kinilala ang mga naaresto na sina Gerry Parks; May Ann Reyes; Raymond Francisco; Paul Gamotin; Dindo Tan; Renato Sanchez; Larry Mondegar at Alfredo Cunanan pawang nasa hustong gulang at mga residente ng nabanggit na lugar.
Nakumpiska sa mga suspek ang 7-plastic sachets na pinaghihinalaang shabu na nasa 20 gramo at P300,000 ang halaga, mga drug paraphernalia at P500 marked money.
Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 ang mga suspek sa Zambales Provincial Prosecutors Office sa Olongapo City.
- Latest