Lider ng gun-for-hire, 1 pa todas sa shootout
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Patay ang isang gun-for-hire leader sa bayan ng Pandi, habang todas din sa shootout ang isang tulak sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta. Rosa Marilao, Bulacan.
Sa ipinadalang ulat ni P/Lt.Col Luke Ventura, hepe ng Bulacan Investigation and Detection Group (Bul-CIDG) kay P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director, kinilala ang napatay na gun-for-hire leader na si Rey de Luna na kilala ring drug pusher sa kanilang lugar.
Napatay pa sa isinagawang drug buy-bust sa Brgy. Sta. Rosa si Danilo Reloks dakong alas-9:00 ng gabi matapos makipagbarilan umano sa mga otoridad.
Narekober sa mga napatay ang dalawang cal. 38 revolver, isang Cal .22 comenius 12 plastic sachet ng shabu, iba’t ibang drug paraphernalia at buy-bust money.
- Latest