^

Probinsiya

Retired Navy napikon, kapitbahay inutas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dahil sa umano’y matinding pagkapikon, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang retired Navy officer ang kanyang kapitbahay na mister na dati na nitong kaalitan sa Brgy. Marahan 1, bayan ng Alfonso, dito kahapon ng umaga.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktimang si Ireneo Alumno, may asawa, 49- anyos, habang hawak na ng pulisya ang suspek na si Florante Flores, may asawa; pawang residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:30 ng umaga nang magkaroon umano ng pagtatalo ang magkapitbahay nang magpanagpo hanggang sa maungkat ang dati nilang alitan. Nauwi sa mainitan at maaanghang na sagutan ng dalawa hanggang sa mapikon ang suspek kaya binunot ang dalang baril at sunud-sunod na pinaputukan ang kapitbahay.

Agad na rumesponde ang mga pulis at naaresto ang suspek.

vuukle comment

NAVY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with