^

Probinsiya

Rider nabagsakan ng puno, dedo

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

ZAMBALES, Philippines — Namatay noon din ang isang lala­king rider nang sumalpok ito sa mga puno matapos mabagsakan ng nabaling punong kahoy sa bahagi ng Naval Magazine sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ),kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Alvin Mangosing, may asawa at residente ng Barangay Looc Castillejos, Zambales.

Batay sa ulat, alas-11:00 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo galing sa trabaho at papauwi na sa kanilang bahay at  pagsapit sa mapunong lugar ay nabagsakan ito ng nabaling  punong kahoy.

Nawalan ng balanse ang biktima at tuluy-tuloy na sumalpok sa isang puno na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Umaapela naman ang nanay ng biktima na si Fi­lipina Mangosing ng tulong pinansiyal mula sa pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa gastos  sa pagpapalibing ng kanyang anak.

vuukle comment

ALVIN

SUBIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with