^

Probinsiya

12 katao natangayan ng P36K sa pekeng golden Buddha

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
12 katao natangayan ng P36K sa pekeng golden Buddha
Agad namang nadakip ang suspek na nakilalang si Joven Alcantara, 49, biyudo at residente ng Barangay Talaba, Bacoor City, Cavite na kinasuhan ng estafa.
STAR/ File

SAN ANDRES, ­Quezon , Philippines — Aabot sa P36,000.00 halaga ng pera ang natangay sa labing dalawa katao nang makaraang pagbentahan ng pekeng golden buddha naganap kamakalawa sa Brgy. Pansoy ng bayang ito.

Agad namang nadakip ang suspek na nakilalang si Joven Alcantara, 49, biyudo at residente ng Barangay Talaba, Bacoor City, Cavite na kinasuhan ng estafa.

Sa ulat ng pulisya, noong nakaraang buwan ay pinagbentahan ng suspek ang  12 magkakapitbahay ng figurine ng golden buddha na nagkakahalaga ng P3,000.

Makalipas ang ilang araw ay natuklasan ng mga biktima na peke ang nabili nilang ginto kasabay ng paglalaho ng suspek.

Subalit,kamakalawa ay nabatid na nakipagtransaksyon ang suspek kay Councilor Edgar Lingahan na inalok din nito ng gintong buddha kapalit ng P3,000.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay naitimbre na ng opisyal ang modus operandi niya kung kaya’t ikinasa ang entrapment operation.

Nang makuha na ng suspek buhat sa opisyal ang perang napag-usapan dakong alas 3:00 ng hapon ay doon na ito inaresto ng mga otoridad.

Wala namang pahayag ang suspek kung saan niya dinala ang kinulimbat  mula sa 12 biktima na problemado kung paano mababawi ang pinaghirapang mga pera.

vuukle comment

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with