^

Probinsiya

Mag-asawa nabundol habang tumatawid, 1 dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines — Isang mister ang patay habang sugatan ang kanyang maybahay matapos na masagasaan ng taxi at SUV habang tumatawid sa kalsada sa Antipolo City, kamakalawa.

Naisugod pa sa Antipolo District Hospital ang biktimang si Welouvie Flores Manay ngunit binawian din ng buhay dahil sa matiding pinsalang tinamo sa ulo at katawan habang nilalapatan ng lunas sa Amang Rodriguez Hospital ang kanyang misis na si Arlene.

Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga nakabangga sa mag-asawa na sina Wilfredo Vergara at Benedicto Nitura na kapwa nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and physical injury.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City.

Kasalukuyan umanong tumatawid ang mag-asawa sa highway nang bigla na lang silang mabangga ng taxi na minamaneho ni Vergara na noon ay nasa direksyon patungong Cogeo.

Dahil sa tindi ng impact, tumilapon si Welouvie at minalas na mabangga rin ng Toyota Revo na minamaneho naman ni Nitura na bumibiyahe naman sa kasalubong ng taxi.

Ang ginang na si Arlene ay nagpagulung-gulong sa sementadong kalsada na nagresulta rin ng pagkakasugat nito.

Kaagad na isinugod ng mga rescue ambulance sa magkahiwalay na pagamutan ang mag-asawa ngunit binawian din ng buhay ang mister.

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with