Ex-FBI agent tinamaan ng COVID-19, tigok
MANILA, Philippines — Isang dating miyembro ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at nakapag-asawa ng Pinay ang nasawi matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa General Santos City, ayon sa ulat ng local Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon sa IATF, ang Amerikanong pasyente ay namatay dahil sa pneumonia matapos magpositibo sa COVID-19.
Kabilang ang naturang dayuhan sa mga pinakahuling nasawi sa GenSan dahil sa COVID-19 kasama ang 68-anyos na lalaki at isa pang 64-anyos na lola dahil din sa kumplikasyon mula sa pneumonia.
Kasalukuyang nasa 96 active cases ang naitala sa lungsod habang 66 naman ang nasawi sa virus.
- Latest