^

Probinsiya

‘Person of interest’ sinisiyasat sa pagkamatay sa 12-anyos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Person of interest� sinisiyasat sa pagkamatay sa 12-anyos
Sa report ni P/Col. Isaias Bacurnay, offi­cer-in-charge ng Lanao del Norte Provincial Police (PPO), iniimbestigahan na nila ang nasabing person of interest na tinukoy ng mga kamag-anak ng biktimang si Suzette Abrigando.
STAR/ File

Indiscriminate firing sa pagsalubong ng Bagong Taon

MANILA, Philippines — May “person of inte­rest” na ang pulisya sa kaso ng indiscriminate firing na kumitil sa buhay ng isang 12-anyos na nene sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Lanao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ni  P/Col. Isaias Bacurnay, offi­cer-in-charge ng Lanao del Norte Provincial Police  (PPO), iniimbestigahan na nila ang nasabing person of interest na tinukoy ng mga kamag-anak ng biktimang si Suzette Abrigando.

Si Abrigando ay tinamaan ng bala matapos ang indiscriminate firing ng ‘di kilalang suspect sa Brgy. Poblacion, Sapad, Lanao del Norte sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Bacurnay, ang suspect ay residente rin ng Brgy. Poblacion kung saan ikinokonsidera nilang person of interest. Gayunman, tumanggi siyang ihayag ang pangalan nito dahil kailangan pang isailalim sa paraffin test at sa ballistic test ang baril nito upang makumpirma kung siya nga ang nagpaputok ng baril na ang bala ay sumapol sa bata.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng cross matching mula sa cal. 45 pistol na narekober mula sa nasabing person of interest. Ang basyo ng bala ng cal. 45 pistol ay narekober sa isinagawang pag-awtopsiya sa bangkay ng nasawing bata.

vuukle comment

PPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with