^

Probinsiya

Call center agent timbog sa pamba-blackmail ng 16-anyos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga ­operatiba ng pulisya ang isang call center agent matapos ireklamo ng pamba-blackmail sa isang 16-anyos na dalagita na umano’y ipoposte sa social media ang hubad na larawan kapag hindi nakipag-sex sa suspect sa isinagawang entrapment operation sa Iloilo City kamakalawa.

Sa ulat ni Iloilo Provincial Police Office (PPO) Chief P/Col. Gilbert Gorero, kinilala ang suspect na si Romeo Bat-og II, 24-anyos .

Si Bat-og ay nasakote sa entrapment operation sa loob ng isang motel sa kahabaan ng Burgos Street, La Paz District ng lungsod habang hinihintay ang dalagitang kanyang bina-blackmail.

Ang nasabing dalagita na itinago sa pangalang Lilibeth ay nakilala lamang umano ng suspect sa social media matapos siyang makipagkaibigan sa biktima.

Sinabi ni Gorero na maaaring nag-poste ng kanyang hubad na larawan ang biktima na  nai-save naman ng suspect sa kanyang cellphone na ginamit nito sa pananakot sa una.

Ayon sa biktima, nagbabanta umano sa kaniya ang suspect na sa oras na hindi siya makipagkita rito sa motel at makipag-sex ay ipakakalat niya sa social media partikular na sa Facebook ang kanyang hubad na larawan.

vuukle comment

PPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with